Wowowee Wilyonaryo Scandal: Wowowee Scraps Wilyonaryo

“Wowowee” scraps ‘Wilyonaryo,’ Willie Revillame regaining health (PEP.ph)

Umaani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga manonood ang bagong game portion sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee, ang “MerryGalo.” Pinalitan nito ang kontrobersiyal na “Wilyonaryo” portion.

Ipinaliwanag ng host ng Wowowee na si Willie Revillame sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit nila naisipang alisin ang game portion na “Wilyonaryo” sa kanyang programa.

“Una sa lahat, para hindi na natin pag-usapan at mawala na sa isip ng tao na nagkaroon ng problema. So, para mawala na ang mga haka-haka kaya nagdesisyon na kami na talagang dapat palitan na. Siyempre, para wala na siyang maging problema. Wala nang maging espekulasyon, wala nang kuwestiyon… Para ang tao matigil na rin sa kakaisip,” bungad ni Willie kahapon, October 12, sa dressing room ng Wowowee.

Pinoy Rickey says: Bwahahahaha… Hindi na nila kayang panindigan.

Justice for the Wowowee Stampede Victims!

Becky Aguila Scandal: Angel Locsin vs. KC Concepcion

Angel was slave turned princess; KC was princess since start ? manager (GMA News)

Agad inihilera si Angel sa mga prinsesa ng Kapamilya network nang lumipat ito sa Dos mula sa GMA 7; binigyan agad si Angel ng special treatment. Pero base sa obserbasyon ng marami, tila naudlot ang special attention na ibinigay ng Dos kay Angel dahil sa pagpasok ng isa pang prinsesa sa Dos?si KC Concepcion.

Hindi kaya nagkaroon ng insecurity sa katawan si Angel dahil sa pag-arangkada pa nang husto ng popularidad ng panganay na anak na babae ng Megastar na si Sharon Cuneta?

“You know, there is really no point of comparison between Angel and KC. Si Angel kasi, she started from nothing, she started from scratch, she started from being a nobody. Na dati, para siyang ano…kumbaga, alipin; na dahil sa sipag niya at tiyaga, naging prinsesa.

“Si KC naman is already a princess, we all know that. Even Angel likes her so much. And si KC, she also likes Angel dahil nagsimula nga sa wala. And the point is, hindi dapat ma-threaten ang kahit na sino kay Angel, the same way na hindi nate-threaten si Angel kahit kanino… Angel Locsin na siya,” diin ni Becky.

Karma. Ang lakas ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN no? Kahit hindi nag-re-rate ang shows niya, alagang alaga pa rin.